Nov 5, 2009
Wanted President
Marami na ang nagdeclare na tatakbo for president sa May 2010 elections. May kanya-kanyang gimik. May ilang bilyon-bilyon na ang expenses para sa kanilang mga teasers and preparation para sa eleksyon. May kanya-kanyang electro-magnetic sword din sila upang patumbahin ang kanilang mga katunggali. Bilyonaro.Haciendero.Heredero. At madaming pang mga tags na pwede nilang ibato upang malevel-up ang kanilang mga imahe bilang future president of the Republic of the Philippines...Kaliwa't-kanan na ang mga activities na inilulunsad ng mga presidentiables upang ipromote ang kanilang mga "programa" at ipagmalaki ang kanilang mga kontribusyon sa ating bayan. May iba na para mga propeta kapag makagpagsalita at parang mga Batman at Superman kung makapagpangako na ililigtas ang ating bansa sa matinding kahirapan.
Ilang buwan na lang at eleksyon na pero wala pa akong bet na maging presidentiable candidate. September noong ininterview ako ng isang radio station kung sino daw ba ang pipiliin ng kabataan na maging presidente ng Pilipinas. Sinabi ko na wala pa. Pero pinangako ko na sa darating na eleksyon, mas magiging kritikal ang kabataan sa pagpili ng susuportahang kandidato. Isang lider na magtataguyod ng interes at karapatan, hindi lamang ng kabataan, kundi ng buong sambayan.
No Response to "Wanted President"
Leave A Reply