Nov 3, 2010

Barrio fiesta!

A day before Undas, the usually silent hilly barrio in the southern tip of the country suddenly transmogrified into a "weird" convivial mood. Second foundation anniversary pala ng kanilang purok. Tiyempo namang nandoon kami kaya inavail ko na ang pagkakataon na magobserve, lumamon at kumuha ng mga litrato.

Wala ang mga usual na banderitas na sponsored ng mga dambuhalang companies ng beer, softdrinks at mobile networks. Sa halip ay mga cellophane na ginawang lobo na tinali sa tie-box ang ginawa nilang banderitas. Syempre pula, dilaw at asul ang kulay. Present at 100% ang attendance ng mga nanalo na mga barangay officials at hindi mawawala ang handshaking at "inspiring" na talumpati gamit ang lumang karaoke.

May communal na pagkain malapit sa make-shift na entabado at may kanya-kanya din namang handa sa halos lahat ng tahanan. May naglalaro ng basketball. May mga nagiinuman. Tanduay, Gold "igol" Beer at tuba. Sa isang sulok, may batang lalake na umiiyak dahil naiinggit sa mga kaibigan na naliligo sa ilog. Hindi siya pinayagan ng kanyang ina. Kawawang bata.

After ng hardcore lamon event, dumating na ang mga malalaking sound system na gagamitin para sa diskohan ng bayan. Bago kami umalis, pinanood muna namin ang presentasyon ng mga batang babae na nasa edad 3-5. At ang sinayaw nila ay ang sikat na kanta na "Hindi ako bakla". Perfect diba? At ang nakakatuwa pa, may nakiki-epal na aso sa gitna ng mga sumasayaw na mga bata.

Haaay. Old school barrio fiesta.

Nov 2, 2010

Good morning!



goooood morning Mindanao! Kalinaw!


Mindanao sunrise mula sa kwarto ko.

-Karlos Manlupig

random thoughts

A country that spends more time and money on war will absolutely face degeneration and suffer the state of economic and political pandemonium.

Tapos na ang Undas

Sa mundo ng mga dapat, may gagawin akong mahalaga kahapon. Kaso dahil sa mga hindi ko maintindihan na mga dahilan ay hindi natuloy ang mga bagay na dapat ay matagal nang na-accomplish. Sa madaling salita, bokya ang productivity level ko kahapon. Nagmadali pa naman akong bumiyahe, nakipag-unahan at nakipagsiksikan sa mala-sardinas na bus.

Dahil bokya ako magpopost na lang ako ng mga litrato. boooo! Tapos na ang undas!